Pagbibigay ng contempt power sa mga subcommittee ng Senado, aprubado na

Pinagtibay na ng Senado ang Senate Resolution 1264 na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga subcommittee na mag-contempt at magpataw ng parusa sa mga pinapaharap na resource person.

Partikular na inaamyendahan ang Section 20 ng rules ng Senado na naglilimita sa pwedeng gawin ng subcommittee.

Kung wala kasing contempt power ang mga subcommittee hindi nila mapipilit na humarap ang mga resource persons na nangiisnab ng mga pagdinig.


Mababatid na dahil sa kawalan ng contempt power ng Senate Blue Ribbon subcommittee kaya hindi na nasundan ng pagdinig ang drug war sa Duterte administration.

Naunang sinabi rin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na magtatakda lang siya ng ikalawang pagdinig kapag nabigyan ng kapangyarihang mag-contempt ng mga resource person.

Facebook Comments