Pinag-aaralan na ng pribadong sektor ang pagbibigay ng booster shot kada tatlo buwan o apat na beses sa loob ng isang taon sa kanilang mga manggagawa.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, nakikipag-ugnayan na siya sa mga opsiyal ng AstraZeneca para sa posibleng pag-order ng booster shot vaccine sa Pebrero ng 2022.
Aniya, target nilang mabigyan ng booster shot ang mas maraming manggagawa sa ikalawang kwarter ng 2022.
Giit ni Concepcion, ang bibigay ng booster shot kada kwarter ay isang mabisang panlaban sa Omicron variant ng COVID-19.
Aminado naman si Concepcion na hindi lahat ng kompanya ay kakayaning makabili ng bakuna para sa kanilang manggagawa kaya kakailangan pa nila ang tulong ng gobyerno lalo na ang maliit na negosyo.