Pagbibigay ng COVID-19 booster shots, hindi para sa lahat – vaccine expert panel

Hindi lahat ng mga nabakunahan na ng COVID-19 vaccines ang papayagang mabigyan ng booster shots.

Ito ang nilinaw ni Vaccine Expert Panel Chair Dr. Nina Gloriani sa ginta ng ginagawang pag-aaral kung pwede na itong gawin sa Pilipinas.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Gloriani na titingnan muna nila kung sino ang mga pinaka-nangangailangan ng booster shots o yung mga nasa high risk.


Kasunod nito, iginiit din ni Gloriani na lahat naman kasi ng bakuna ay bumababa ang pagiging epektibo ilang buwan matapos ito maiturok sa indibidwal.

Matatandaang kahapon ay sinabi ng Food and Drug Administration na pwede nang ireseta ang Pfizer bilang booster shots sakaling maging commercially available na ito sa bansa.

Facebook Comments