Pagbibigay ng COVID-19 booster shots, ipinatitigil ng WHO

Ipinahihinto ng World Health Organization (WHO) ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots hanggang sa katapusan ng Setyembre.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang bawat bansa na mabakunahan ang hindi bababa sa 10% ng kanilang populasyon.

Dagdag pa ng opisyal, naiintindihan niya ang kagustuhan ng mga bansang maprotektahan ang kanilang mga mamamayan mula sa Delta variant pero hindi katanggap-tanggap ang patuloy na paggamit ng bakuna ng mga bansang nakagamit na ng halos karamihan ng global supply.


Kabilang sa mga bansang naghahanda na para sa booster shot ang Israel, Germany, UAE at US.

Facebook Comments