Pagbibigay ng dagdag ayuda, nasa pagpapasya ng economic managers – DSWD

Nakadepende sa economic managers kung nais nilang dagdagan ang financial aid na ipapamahagi sa mga naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

Ito ang nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos palawigin ang ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite hanggang April 11 sa harap ng surge ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang mga economic managers ang nakakaalam kung mayroon pang pondo para sa karagdagang ayuda.


Tiniyak ni Dumlao sa publiko na patuloy nilang ipapatupad ang social protection programs nito tulad ng pamamahagi ng family food packs sa harap ng ECQ.

Umaasa rin ang DSWD na mabilis na maipapamahagi ng mga local government units (LGUs) ang financial aid sa 22.9 million recipients.

Facebook Comments