Pagbibigay ng deadline sa pagtapos sa bakbakan sa Maute, unfair sa mga sundalo sa front line ayon sa AFP

Marawi City – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na ginagawa nila ang lahat ng kanilang magagawa para matapos na ang kaguluhan sa Marawi City sa lalong madaling panahon.

Ito ang sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa harap n arin ng mga naging pahayag ng ilang opisyal ng pamahalaan na sana ay matapos na ang bakbakan sa Marawi city bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.

Ayon kay Padilla, hindi na sila naglalatag ng deadline sa kung kalian ba matatapos ang bakbakan sa nasabing lungsod dahil ang combat environment sa Marawi City ay masyadong komplikado kaya nagdadahandahan ang Militar sa kanilang ginagawang operasyon.


Binigyang diin din nito na hindi naman patas sa mga sundalo sa frontline na bigyan sila ng deadline pero ginagawa naman aniya ng mga ito ang lahat ng kanilang magagawa para matapos na ang kaguluhan.

Una nang ibinida ni Padilla na nabawi na ng militar ang Dansalan College na itinuturing nilang mahalagang lugar dahil ito ay isang strategic area kung saan makikita ang malawak na lugar sa paligid nito.

Facebook Comments