Pagbibigay ng diskwentro sa bayarin sa kuryente ng mga nasa lower income at miyembro ng 4Ps, sisimulan na sa September 15

May itinakda ng petsa sa pagbibigay ng discount sa electricity bill ng mga nabibilang sa lower-income bracket at miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office, magsisimula na ang pagbibigay diskuwento sa September 15.

This slideshow requires JavaScript.


Ito aniya’y magandang balita sa ilalim na rin ng Lifeline Rate Program ng gobyerno.

Ang programa ay subsidized rate na ipagkakaloob sa mga kwalipikadong low-income electricity customers na walang kakayahan na bayaran ng buo ang kanilang electricity bill.

Kung ang isang customer naman ay nasa tinatawag na below poverty threshold na itinatakda ng Philippine Statistics Authority, maaaring isumite ang sertipikasyon mula sa DSWD na magpapatunay na sya nga ay nasa below poverty threshold sa nakalipas na anim na buwan.

Ang kabawasan sa babayarang electric bill ay magdedepende naman sa prevailing rates ng distribution utility o electric cooperative service.

Facebook Comments