Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Palasyo ng Malacañang sa Senado sa pagsusulong nito ng pagpapatuloy ng debate para sa pagbibigay ng Emergency Powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang matinding problema sa trapik sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, umaasa parin sila na maibibigay na kay pangulong Duterte ang kinakailangang emergency power na ihinihiling din ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
Binigyang diin ni Andanar na habang papalapit ang kapaskuhan ay mas mararamdaman na ang mas mabigat na trapiko dahil sa kaliwat kanang sale ng mga mall sa buong metro Manila.
Tiniyak din naman ni Andanar na maaasahan ng publiko na ginagawa ng MMDA at iba pang tanggapan ng Pamahalaan ang lahat ng dapat gawin para mapagaan ang trapik sa kamaynilaan.
Pagbibigay ng emergency power kay P-Duterte para masolusyunan ang trapik, ikinatuwa ng Malacañang
Facebook Comments