Pagbibigay ng financial assistance sa mga magsasaka, pinamamadali ng NEDA  

Iginiit ng National Economic and Development Authority (NEDA) na kailangang pabilisin ang pagbibigay ng financial assistance sa mga lokal na magsasaka.

Kasunod na rin pagbaba ng presyo ng palay.

Ayon kay NEDA OIC Rosemarie Edillon, dapat mapadali ang pagro-roll out ng mga programa at proyekto sa ilalim ng Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) para suportahan ng mga magsasaka.


Ipinunto rin ni Edillon na makali ang naitutulong ng Rice Tariffication Law para itaas ang supply ng bigas sa bansa at matiyak ang murang presyo ng bigas sa merkado.

Facebook Comments