Pagbibigay ng fourth dose sa general population, hindi pa napapanahon – VEP

Hindi pa napapanahon ang pagtuturok ng fourth dose ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Vaccine Expert Panel Chairperson Dra. Nina Gloriani, batay sa datos ay sapat naman ang third dose o first booster shot para mabigyan ng proteksyon ang mga tao laban sa COVID-19 lalo na sa Omicron variant.

“Kasi kapag nag-boost, medyo magtatagal pa yan although right now we do not know how long the boosting effect will last. Pero meron pong memory cells na nage-generate d’yan, so kunwari, na-meet mo yung virus ulit, tataas po ulit ‘yan,” ani Gloriani sa panayam ng RMN Manila.


“Hindi rin maganda yung maya’t maya nagbu-booster kasi baka yung iba mataas pa ang level ng antibodies for instance, walang silbi yung additional dose, sayang lang po,” paliwanag pa niya.

Pero ayon kay Gloriani, inirerekomenda nila ang posibleng pagbibigay ng fourth dose sa mga severely immunocompromised bilang booster shot dahil hirap na gumana ang kanilang immune system.

Aniya, tatlong dose talaga kasi ang kailangan nila sa primary series hindi gaya sa general population na dalawa lamang.

Facebook Comments