Nagpahayag ng pagtutol ang Teacher’s Dignity Coalition (TDC) sa pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng pilot face-to-face classes.
Ayon kay TDC Chairperson Benjo Basas, hindi napapanahon at mapanganib ang pagdaraos ng face to face classes.
Ito ay dahil patuloy na tumataas ang kaso ng COVID sa buong bansa at nahihirapan na ang health care system.
Upang matiyak naman na hindi matatakasan ng Department of Education (DepEd) ang kanyang pananagutan, kailangang pumirma ng isang kasunduan o affidavit of undertaking ang DepEd kung sakaling mayroong mahawa ng COVID.
Facebook Comments