Pagbibigay ng hazard pay sa mga healthcare workers, tinututukan ng DOH

Umabot na sa halos 12,924 na mga healthcare workers sa buong bansa ang tinamaan ng COVID-19.

Sa kabuuang bilang, 12,636 ang gumaling sa sakit habang nananatili sa 76 ang bilang ng nasawi.

Bumaba na sa 212 ang aktibong kaso ng COVID-19 kung saan 113 dito ay mild cases, 67 ang asymptomatic, 17 ang severe, apat ang moderate at 11 ang nasa kritikal na kondisyon.


Karamihan sa mga tinamaan ng virus sa hanay ng mga medical workers ay mga nurse.

Samantala sa interview ng RMN Manila, tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na tinututukan nila ang pagbibigay ng hazard pay maging sa mga healthcare workers na hindi direktang nag-aasikaso sa mga COVID patient.

“DBM ang ating kinakausap para masaklawan din kahit yung mga healthcare workers na hindi direktang nag-aasikaso sa mga COVID patient. ‘Yun ang kanilang hiling e, ‘yung mga admin staff. Sinusuportahan naman natin ‘yun, ang problema lang sa bandang huli, kaya ba ng pondo,” ani Duque

Matatandaang nito lamang Nobyembre nang ireklamo ng grupo ng mga nurse ang hindi pa rin naibibigay na sahod at hazard pay ng halos 30,000 healthcare workers.

Facebook Comments