Pagbibigay ng healthcare needs ng Pinoy pilgrims sa Saudi Arabia, tiniyak ng pamahalaan

Tiniyak ng National Commission on Muslim Filipinos Medical Team ang patuloy nilang pagbibigay ng atensyong medikal sa Filipino pilgrims sa Saudi Arabia.

Ito ay matapos magtayo ng temporary clinic ang team para sa medical services sa Pinoy pilgrims.

Kabilang sa kanilang serbisyo ay medical consultations, emergency care at basic treatments.


Ang Pilgrims naman na nangangailangang malapatan ng lunas ay dinadala sa pinakamalapit na ospital.

Facebook Comments