Ipinanawagan sa Commission on Elections na ibigay nang mas maaga at maayos ang honararia at allowances ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEI) sa May 13 Midterm Elections.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, hindi na dapat maulit ang reklamo ng mga pampublikong guro tuwing halalan kaugnay sa atrasdong pagbigay sa kanilang honararia at travel allowance.
Giit ni Senador, wala nang rason para hindi pa ibigay ang honararia at travel allowance ng mga guro lalo na’t nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 National Budget.
Bunsod nito, pinayuhan ni Gatchalian ang Department of Education na makipag-ugnayan agad sa Comelec para sa listahan ng mga guro na gaganap bilang BEIs.
Facebook Comments