Pagbibigay ng ID sa mga Muslim, hindi suportado ng AFP

Manila, Philippines – Hindi sumasangayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panukala na dapat ay bigyan ng Identification Cards ang mga Muslim sa Mindanao.

Ipinanukala kasi ng ilang opisyal ng Philippine National Police sa Central Luzon na para lalong mapigilan ang paglaganap ng terorismo ay dapat bigyan ng ID cards ang mga Muslim.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, isang discriminatory act ang nasabing panukala dahil hindi tama na pumili lamang ng isang sector ng lipunan para bigyan ng naturang IDs.


Binigyang diin ni Padilla na hindi lahat ng Muslim ay bahagi ng nangyayaring kaguluhan sa Mindanao.

Sinabi ni Padilla na ang kanilang matinding sinusuportahan ay ang pagkakaroon ng National ID system para mabigyang solusyon ang maraming problema ng bansa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments