Pagbibigay ng ikalawang booster shot, hindi pa napag-uusapan ng DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa napapag-usapan ang posibleng pagbibigay ng ikalawang booster shot sa mga Pilipino.

Kasunod ito ng pahayag ng Health Minister ng Israel na magdudulot ng panganib sa mga taong edad 60 pataas kapag tumanggap ng apat na bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga Vaccine Expert Panel (VEP) ng bansa sa kanilang counterpart at pinag-aaralan ang mga ganitong usapin.


Sinabi rin ni Duque na wala pa sa usapin ng National Task Force Against COVID-19 ang pamimigay ng second booster shot at patuloy na pinag-aaralan ng mga vaccine expert sa bansa ang mga bagong development sa medisina na may kinalaman sa COVID-19.

Facebook Comments