Pagbibigay ng ikalawang booster shot para sa senior citizens, medical frontliners at immunocompromised individuals, inaprubahan na ng FDA

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagpapalabas ng Food and Drug Administration (FDA) ng karagdagang emergency use authorization para sa pagbibigay ng  COVID-19 vaccine booster dose sa senior citizens, immunocompromised individuals, at frontline healthcare workers.

Ang ikalawang booster dose ay ibibigay apat na buwan makalipas ang unang booster shot

Habang sa moderately at severely immunocompromised na mga pasyente, kailangan silang mabigyan ng mas maagang ikalawang booster, depende sa assessment ng kanilang doktor.


Bumubuo na ng draft ang National COVID-19 Vaccination Operations Center para sa pagpapatupad ng ikalawang booster dose.

Facebook Comments