Pagbibigay ng ikatlong dose ng bakuna sa mga indibidwal na hindi nakapag-develop ng proteksyon sa COVID-19, inirekomenda ng WHO

Inirekomenda ng World Health Organization (WHO) ang pagbibigay ng ikatlong dose ng bakuna sa mga indibidwal na immunocompromised o hindi nakapag-develop ng proteksyon sa COVID-19.

Mula ito ng naunang dalawang shot ng bakuna.

Ayon kay WHO Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, maaaring mapabilang sa kanilang rekomendasyon na mabigyan ng 3rd dose ang mga senior citizens na naturukan ng Sinovac at Sinopharm vaccines.


Tatlong buwan ito o higit pa mula nang matanggap nila ang kanilang ikalawang dose ng bakuna.

Nilinaw naman nito na sa kasalukuyan, hindi pa nila inirerekomenda ang pagkakaroon ng ikatlong shot ng bakuna para sa general population na nakatanggap ng Chinese-made vaccines.

Paglilinaw kasi ni Abeyasinghe, rekomendasyon pa lamang ito ng WHO at hinihintay pa nila ang magiging pinal na desisyon ng pamahalaan para dito.

Facebook Comments