Pagbibigay ng incentives kina Carlos Yulo at EJ Obiena, isasagawa pagkatapos ng homecoming parade ng Team Philippines mamaya

Courtesy: PCO

Libu-libong mga residente ng Lungsod ng Maynila ang inaasahang sasalubong mamaya sa mga atleta natin na sumabak sa katatapos lamang na 2024 Paris Olympics.

Alas tres mamaya aarangkada ang homecoming parade para sa Team Philippines na mag-uumpisa sa Aliw Theater sa Pasay City.

Dadaan ang parada sa Roxas Blvd, P. Burgos, Finance Road, Taft Avenue, Quirino Avenue, at Adriatico bago magtapos sa Rizal Memorial Coliseum.


Dito naman magkakaroon ng maikling programa kung saan inaasahang magbibigay rin ng awards at incentives si Manila Manila Mayor Honey Lacuna sa dalawang Manileño na sina Carlos Yulo at EJ Obiena.

Samantala, sa panig ng Manila Police District nasa humigit kumulang na 400 na pulis ang ipapakalat sa paligid ng dadaanan ng homecoming parade.

Muli ring pinapayuhan ang mga residente na umiwas muna sa mga nabanggit na kalsada upang hindi maipit sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko.

Facebook Comments