Naniniwala si Vice President Leni Robredo na ang pagbibigay ng insentibo sa mga magpapabakuna laban sa COVID-19 ay makakatulong para mapalakas ang vaccination drive.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, nasa kamay ng mga lokal na pamahalaan at ng national government kung paano bibigyan ng insentibo ang mga Pilipino.
Bukod sa vaccination, pwede ring ipatupad ang incentive programs sa swab test.
“So, iyong incentive can come in many different forms eh. Nasa LGU naman iyan o nasa national government kung anong klase,” ani Robredo.
Dagdag pa ng Bise Presidente, maaari ring magpatupad ang pamahalaan ng no-quarantine policy para sa mga nabakunahan na.
Kaparehas aniya ito sa “green zone” ng Department of Tourism para sa mga biyaherong nakapagbakuna na.