Pagbibigay ng insentibo sa mga magpapabakuna ng COVID19-booster vaccine, iminungkahi ng Kamara

Hiniling ng ilang kongresista na bigyan ng insentibo ang mga magpapaturok ng COVID-19 booster.

Ito ay upang dumami pa ang mas mahikayat na magbakuna ng booster shot lalo pa’t nagkakaroon muli ng pagtaas sa mga kaso ng sakit lalo sa Metro Manila.

Naniniwala si Iloilo Rep. Janette Garin na mas maraming Pilipino ang mahihikayat na magpabakuna kung mayroong kapalit na insentibo gaya na lamang ng transportation allowance.


Paliwanag ng kongresista, nag-aalinlangan kasi ang ilan na magpa-booster dahil kailangang umabsent o lumiban sa trabaho at gumastos sa pamasahe.

Inihalimbawa ng mambabatas ang kaniyang distrito kung saan naging epektibo sa pagtaas ng bilang ng mga nagpapa-booster ang pagbibigay ng transportation allowance.

Para naman hindi mahirapan ang mga manggagawa, muli ring inapela ng kongresista ang on-site vaccination sa workplaces nang sa gayon ay mas mapadali ang booster vaccination sa workers sa bansa.

Facebook Comments