Pinag-uusapan na ng pamahalaan ang insentibo na maaaring ibigay sa mga pharmacist na magsisilbi bilang vaccinators ng bansa laban sa COVID-19.
Pahayag ito ni Testing czar at Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon sa harap na rin ng pag-arangkada ng pilot implementation ng “Resbakuna sa mga Botika” bukas, January 20.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang kalihim sa pagboboluntaryo ng mga botika sa pag-aalok ng kanilang serbisyo.
Malaking bagay aniya ang kanilang tulong sa COVID vaccination program ng pamahalaan lalo’t marami na rin sa mga vaccinator ng mga Local Government Unit (LGU) ang nagkakasakit at tinatamaan na rin ng virus.
Kasunod nito, tiniyak ni Dizon sa publiko na qualified vaccinators ang mga pharmacist, dahil dumaan sa training ang mga ito.