Pagbibigay ng internet load sa mga guro, sumasailalim sa “procurement procedures” – DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ang pagbibigay ng internet load sa mga guro sa public schools ay sumasailalim sa ‘usual procurement procedures’.

Nabatid na pinamamadali ni Senator Sonny Angara sa kagawaran ang procurement at paglalabas ng connectivity load para sa mga guro.

Ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, inaasahang makukumpleto ang proseso sa susunod na buwan.


Naiintindihan nila ang concern ni Senator Angara at iba pang stakeholders, pero humihingi rin ang DepEd ng pang-unawa na ang paglalabas ng public funds ay kailangang dumaan sa tamang proseso at patakaran.

Ito ang unang beses na magbibigay ang DepEd ng internet load gamit ang limitadong pondo.

Ang paglalaan at paggamit ng public funds ay sumasailalim sa budget, accounting, procurement at auditing rules and regulations.

Humihingi ang DepEd ng clearance mula sa Department of Budget and Management (DBM) at sa Commission on Audit (COA) para maglabas ng polisiya sa pagbibigay ng allowance sa mga empleyadong nagtatrabaho lagpas na sa kanilang kadalasang tungkuling lalo na ngayong pandemya.

Facebook Comments