Isa sa pinaka dapat binibigyan ng importansya sa karapatang pantao ay ang mga karapatan ng mga kababaihan at mga bata sa isang komunidad man o maging sa isang mamamayan bilang sila ay itinuturing na vulnerable at prayoridad.
Sa pagkakaroon ng mas maigting na pang unawa at kaalaman para maprotektahan ang mga kababaihan at mga bata ay nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Alaminos City ng Legal Technical Assistance partikular sa Brgy. Pocal Pocal.
Dinaluhan ito ng mga Barangay Council at mga miyembro ng organisasyon ng ERPAT.
Sa aktibidad na isinagawa ay tinalakay rito ang R.A 9262 o ang Violence Against Women & their Children (VAWC na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang lahat ng kababaihan at kabataan sa anumang uri ng karahasan.
Ang naturang aktibidad ng lokal na pamahalaan ng Alaminos ay sa pangunguna ni Atty. Melanie P. Aoanan, City Legal Officer at mga kasamahan nito sa opisina. |ifmnews
Facebook Comments