PAGBIBIGAY NG LIBRENG FLU AT PNEUMONIA VACCINES SA MGA SENIOR CITIZENS SA DAGUPAN CITY, NAGSIMULA NA

Sinimulan na kahapon ang pagbibigay ng libreng flu vaccines sa mga senior citizens sa Dagupan City.

Isinagawa ang pagbabakuna sa Super Health Family Center sa Brgy. Bolosan kung saan Pinilihan ito ng mga lolo at lola mula sa ng Bolosan, Mangin, Salisay, Tambac, Mamalingling, at Tebeng.

Ayon kay Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez, nasa limang libong bakuna ang inilaan sa naturang programa at kung magkulang man ay nakatakdang magrequest ang LGU.

Layunin ng programa na maiiwas ang mga senior citizen sa sakit na dala ng influenza viruses. Samantala, nakatakdang dalhin ang pagbabakuna sa mga island barangays at clustered barangays sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments