Pagbibigay ng libreng-sakay mula sa mall papuntang istasyon ng tren, pag-aaralan ng ilang ahensya

Magbibigay ng libreng-sakay ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mula sa mga mall papunta sa mga public transportation ngayong holiday rush.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ng mga opisyal ng mga ahensya na pinag-aaralan nila ang pagbibigay ng libreng sakay ngayong kaliwa’t kanan ang magiging mall sales na dadagsain ng mga mamimili.

Ayon kay DOTR Usec. Andy Ortega at LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, tinitingnan nila ang pagbibigay ng special permits sa ilang mga shuttle bus para sa libre o special sakay mula MRT patungong mall.


Nilinaw naman ni Atty. Victor Nunez ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi naman nila pinagbabawalan ang sale sa mga mall kundi iniiwasan lamang nila na magsabay-sabay ang sale sa mga ito.

Para naman makatulong sa daloy ng trapiko, sinabi ng MMDA na naglagay na sila ng mga traffic enforcer malapit sa mga mall area at mahigpit na ipinagbabawal ang mga road work mula November 18 hanggang December 25.

Facebook Comments