Cauayan City – Nagpapatuloy ang paghahatid ng libreng serbisyo ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan sa mga Cauayeño sa pamamagitan ng programang Cauayan City Una Ka Dito City Hall On Wheels.
Ngayong darating na sabado, ika-21 ng Setyembre, anim na barangay na kinabibilangan ng Brgy. Duminit, Brgy. Baringin Sur, Brgy. Baringin Norte, Brgy. Dabburab, Brgy. Guayabal, at Brgy. Gagabutan ang mabebenipisyuhan ng libreng serbisyo.
Kabilang sa mga serbisyo na talagang tinatangkilik ng mga benipesyaryo ay ang Libreng Medical, Dental at Optical Check-up, Social Welfare Assistance, Scholarship Assistance, City ID Assistance, at iba pa.
Samantala, magaganap naman ang Caravan sa Brgy. Duminit Community Center, at magsisimula ang programa mula alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Inaanyayahan ng LGU Cauayan ang mga residente ng mga nabanggit na barangay na bumisita, makilahok at mag avail ng serbisyo na kanilang kailangan.