Pagbibigay ng lisensya at pag-regulate ng PAGCOR sa e-sabong, kinuwestyon ng isang Senador

Iginiit ni Senator Joel Villanueva na hindi maaring magbigay ng lisensya at mag-regulate ang Philippine Amusement and Gaming Corporations (PAGCOR) ng sabong sa bansa.

Diin ni Villanueva, base sa Section 10 ng Republic Act No. 9487 o ang amended PAGCOR Charter, hindi kasama ang “cockfighting” o sabong sa mga sugal na maaaring bigyan nito ng license to operate at i-regulate.

Binanggit ni Villanueva na malinaw din sa pagdinig ng Senado na wala pang umiiral na mekanismo ang PAGCOR para ipatupad ng mga e-sabong operators ang mga regulasyon gaya ng pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na lumahok sa sugal na ito.


Para kay Villanueva, dapat ipatigil muna ang operasyon ng e-sabong kung hindi pa kayang pigilan ng PAGCOR ang pagsali dito ng mga opisyal ng gobyerno at mga kapulisan.

Sinuportahan din ni Villanueva ang Senate Resolution na naghihimok sa PAGCOR na suspendihin ang lisensya ng mga e-sabong operators hangga’t hindi pa nareresolba ang napabalitang pagkawala ng 31 na sabungerong sangkot sa naturang sugal.

Facebook Comments