Bibigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang paglalagay ng mas ligtas na lanes at mas maluwag na sidewalks para sa bikers at pedestrians.
Ito ay bahagi ng Philippine Development Plan (PDP) na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) para sa susunod na anim na taon.
Ang anunsiyo ng Transportation Department ay kasunod ng report ng Move as One Coalition hinggil sa nakakaalarmang bilang ng mga aksidente sa lansangan kung saan ang sangkot ay bikers sa Metro Manila.
Batay sa datos, nasa average na 26 na siklista ang namamatay mula noong 2017 hanggang 2021 dahil sa aksidente.
Ayon naman sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakapagtala sila ng 24 na kaso ng bicycle-related deaths bawat taon noong 2017 at 2018.
Facebook Comments