Pagbibigay ng mg relief goods, tuluy-tuloy sa Cainta, Rizal

Inihayag ngayon ng pamunuan ng Cainta Rizal Government na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng mga relief good sa lahat ng mga residente ng Cainta, Rizal.

Ayon kay Cainta Mayor Kit Nieto, ang mga lugar na nagkaroon ng relief distribution ay ang mga barangay gaya ng Barangay Balanti kung saan 500 packs ang naipamahagi kahapon pa; Barangay Villa Cuana ay 185 packs; Barangay Buklod Maralita ay 600 packs; at Greenland ay 500 packs; Robles looban ay 124 packs; Dagat-Dagatan ay 450 packs; Bagong Silang Valley Golf  ay 418 packs; Bermai ay 500 packs; Alley 27, Manabat Gruar ay 1235 packs; Ricarte ay 500; Marick ay 600 packs; Greenwoods Area ay 5,300 packs.

Lakas Bisig  ay 500 packs; Anak Pawis ay 1,500 packs; Karlangan Creek ay 184 packs; Karlangan/Manggahan ay 87 packs; Genesis (FY Manalo) ay 100 packs; Montenola (Valley Golf) ay 60 packs; Valley View PH2  ay 60 packs; A. Bonifacio ay 450 packs; San Francisco Special Block & Creek Side ay 500 packs; Corinthians ay 620 packs; Lakas Tao(2) ay 500 packs; Marick (2) ay additional 600 packs; Victoria Valley ay 153 packs; DA compound ay 135 packs; at Filinvest ay 200 packs.


Paliwanag ng alkalde, bukod sa pamamahagi ng mga relief goods ay nagkaroon din ng misting operation sa Barangay Green Land phase 2 Doña Calixto Subdivision at lahat ng mga public markets sa Cainta, Rizal.

Magkakaroon din ng town wide feeding program sa 6,000 katao mamayang alas-5 ng hapon, at iikot ang Cainta’s Market on Wheels sa mga lugar kabilang ang iikutan ang Village East, Vista Verde, Valley Golf Westbank Floodway at Sitio Victoria.

Namamahagi rin ng mga gatas para sa mga sanggol sa Barangay Bermai, Barangay Exodus at Barangay San Francisco.

 

Facebook Comments