Pinag-usapan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Mapandan at ng isang non-government organization ang ukol sa pagbibigay ng mga pasilidad sa paaralan at pagtulong sa ilang lugar sa bayan.
Bumisita ang ilang kinatawan ng non-government organization na Philippine Business for Social Progress (PBSP) na nakatoka sa pagbibigay ng pasilidad at pagtulong sa mga lugar na lubhang nangangailangan ng tulong.
Ilan lamang sa napag-usapan ng LGU Mapandan at ng PBSP ay tulong sa mga paaralan at mga komunidad sa bayan na may mababang kalidad ng tubig kung saan planong magbigay ng standard at sapat na water supply o patubig program.
Bukod dito, isa rin sa napag-usapan ng LGU na pinangunahan ng alkalde ang pagkakaroon ng magagandang tanawin sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong kahoy, at iba pa.
Samantala, laking pasasalamat naman ng LGU sa tulong nilang matatanggap sa NGO na ito upang mas lalong mapaunlad pa ang pamumuhay ng mga residente ng Mapandan at sa ikakaganda ng mga lugar sa bayan.

Facebook Comments