Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang isang Memorandum of Agreement(MOA) sa pagitan ng Provincial Government at Department of Health-Center for Health Development 1 sa pagbibigay ng pondo para sa ONE COVID-19 Allowance ng mga nagtratrabaho sa pampubliko at pribadong hospital sa probinsiya.
Sa session hour ng SP sinabi ni Provincial Health Officer Dra. Anna Maria Theresa De Guzman, partikular na makikinabang dito ang public at private hospitals healthcare at non healthcare workers.
Dedepende ang halaga ng matatanggap na benepisyo sa level ng COVID-19 exposure ng mga ito.
Tatanggap ng 9, 000 kada buwan ang maa -dentify na high risk, 6.000 para sa medium risk at 3, 000 low risk.
Samantala, nakapagpalabas na ng 66 milyon ang probinsiya para sa special risk allowance ng mga health workers ng Pangasinan mula Disyembre hanggang Marso ngayon taon. | ifmnews
Facebook Comments