Pagbibigay ng P1,000 ayuda para sa mga mahihirap na Pilipino, inihahanda na ng Marcos Administration

Magbibigay ng panibagong cash assistance ang Marcos Administration sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) program.

Ayon kay Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, inihahanda na nila ang paglulunsad ng panibagong bugso ng cash aid para sa mga mahihirap nating kababayan na layong maibsan ang epekto ng inflation rate.

Kinumpirma ni Diokno na ikino-konsidera nila ngayon ang pagbibigay ng dalawang buwang subsidiya sa mga consumer.


Aabot aniya sa 9.3 million “poorest of the poor” ang makakatanggap ng isang libong piso na hahatiin sa loob ng dalawang buwan.

Facebook Comments