Pagbibigay ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya, ipinapanukala ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano

1485

Ipinapanukala ni Taguig-Pateros 1st district Representative Alan Peter Cayetano na mabigyan ng P10,000 na ayuda mula sa gobyerno ang kada pamilya sa bansa.

Ayon kay Cayetano, layon nitong matulungan ang mga Pilipino lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin.


Kinakailangan aniya ito dahil bukod sa mataas na bilihin ay kasalukuyan pa tayong dumaranas ng krisis dahil sa COVID-19 pandemic.

Paliwanag pa ng kongresista, malaking tulong din ang pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa mga consumers at suppliers sa pagpapalakas muli ng ating ekonomiya.

Facebook Comments