Ikinalugod ng Malacañang ang pagbibigay ng Bahrain ng royal pardon sa 16 na Pilipino na nakatakdang umuwi sa bansa.
Sa statement, sinabi ng Palasyo na ang pagbibigay ni King Hamad Bin Isa Al Khalifa ng pardon sa 16 na Pinoy ay bahagi ng pagpapabuti ng relasyon ng Pilipinas at Bahrain.
Nagbibigay rin ito ng bagong pag-asa at oportuninad sa mga kababayan natin na magbagong buhay.
Nagpapasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay King Hamad at tiniyak na patuloy na makikipagtulungan para mapalalim ang bilateral ties at mapagtibay pa ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Matatandaang binisita ni Pangulong Duterte ang Bahrain noong 2017 kung saan ilang kasunduan ang pinagtibay kabilang ang pagtatatag ng High Joint Commission.
Facebook Comments