Pagbibigay ng pardon sa mga Pilipinong nasa death row sa Saudi Arabia, pag-aaralan pa

Manila, Philippines – Kasabay ng nakatakdang state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Saudi Arabia, sinabi ng Department of Foreign Affairs na pinag-aaralan ng migrant workers affairs kung may pwede nang ihingi ng pardon o clemency sa ilang Pilipino na nasa death row doon.

Sa isinagawang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Hjaceelyn Quintana, 31 Pinoy ang nasa death row ngayon sa Saudi Arabia kung saan ilan sa mga ito ay sangkot sa kasong pagpatay.

Samantala, isang Pinoy naman ang nahaharap sa parusang kamatayan sa Bahrain.


Kaya naman tiniyak ni Quintana na sapat ang tauhan ng pamahalaan na tutulong sa legal na aspeto para sa ibang Pilipino na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa gitnang silangan.
Nation”

Facebook Comments