Aprubado na sa Population and Family Relations ang panukala na magbibigay ng permanenteng bisa sa live birth, marriage, at death certificates.
Sa ilalim ng House Bill 7779 ay layunin nitong gawing permanente ang bisa ng Certificates of Live Birth, Death, at Marriage na inisyu, nilagdaan, sinertipikahan at pinatotohanan ng mga tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA), Local Civil Registry Offices at ng National Statistics Office (NSO).
Hindi na kakailanganin ng isang aplikante o indibidwal na kumuha pa ng updated na certification ng live birth, death, o marriage kung mayroon namang malinaw na kopya nito.
Sa ngayon ay maraming ahensya ng pamahalaan at mga employers ang humihingi sa mga aplikante ng mga sertipikasyon mula sa PSA na naka-imprenta sa mga bagong security paper (SECPA) na inisyu nang hindi lalagpas sa anim na buwan.
Bukod sa dagdag gastos ay mahirap din para sa mga nasa malalayong lugar ang kumuha ng panibagong certificate.