Pagbibigay ng PhilHealth ng kompensasyon sa COVID-19 vaccine recipients na magkakaroon ng side effects, suportado ng Palasyo

Suportado ang Malacañang sa proposal na bigyan ng kompensasyon ng mga matuturukan ng COVID-19 vaccine na makararanas ng side effects.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iminungkahi nila sagutin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa pagpapagamot ng vaccine beneficiaries.

Pagtitiyak din ni Roque na ang delay sa vaccine delivery ay aabutin lamang ng isang linggo.


Sa ngayon ang indemnity agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng COVAX facility ay pinaplantsa na para maiwasang maurong ang vaccine delivery.

Ang initial shipment ng Pfizer vaccine mula sa global scheme ay inaasahang darating sa kalagitnaan ng Pebrero.

Una nang nanawagan ang Malacañang sa Kongreso na ipasa ang batas na magbibigay ng vaccine indemnification sa anumang vaccine-related ailments.

Facebook Comments