Pagbibigay Ng Presidential Pardon Para Sa Mga Matatandang Bilanggo – Inihahanda Na Ng Malacañang

7

MANILA – Inihahanda na ng Malacañang ang Executive Order para sa pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential pardon sa mga matatandang bilanggo.Sa pagharap sa media, sinabi ng Pangulo na nais niyang palayain na ang mga preso na may edad 80 pataas.Kasama rin aniya sa pinag-aaralan nilang bigyan ng pardon ang mga bilanggo na 40 taon nang nakakulong at mga may sakit nang matatanda.Una rito, matatandaang binigyan ni Duterte ng absolute pardon ang aktor na si Robin Padilla kaugnay sa kasong illegal possession of firearms noong 1994.

Facebook Comments