Handa ang mga tauhan ng Joint Task Force Covid Shield na bigyang proteksyon ang mga Overseas Filipino Workers na gustong umuwi sa kanilang mga lugar.
Ito ay matapos ang mga ulat na may mga LGUs na tinatanggihan ang mga OFW na gustong umuwi dahil sa takot na mahawa sila sa COVID-19.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar hindi na dapat tinatanggihan ng mga LGUs ang mga OFWs na pabalik na sa kanilang lugar dahil sumailalim na ang mga ito sa 14 days quarantine at sinusunod ang mga health protocols dahil mismong mga OFW’s ay ayaw din mahawa ang mga miyembro ng kanilang pamilya.
Sinabi ni Eleazar, na ang mga OFW’s ay maaaring tumawag sa kanilang mga Hotlines at sila ay bibigyan ng escort pauwi sa kanilang mga lugar.
Ang Joint Task Force COVID Shield ay kinabibilangan ng mga Pulis, Sundalo, Philippine Coastguad at BFP na maaring magbantay sa mga OFWs.
Ang mga hotlines ng JTF ay 0998-849-0013 para sa mga Smart users at 0917-538-2495 para naman sa mga Globe users.