Pagbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN na tatagal hanggang June 30, 2020, hihilingin ng isang mambabatas sa Kamara

Hiniling ni Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Kamara na bigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN na tatagal hanggang matapos ang kasalukuyang Kongreso sa June 30, 2020.

Kaugnay nito, maghahain ang kongresista ng panibagong Joint Congressional Resolution para sa temporary franchise gayundin ang panukalang magbibigay sa TV network ng bagong prangkisa na tatagal ng 25 taon.

Ayon kay Rodriguez, dismayado siya sa pambabalewala ng National Telecommunications Commission (NTC) sa apela ng Kongreso na payagang magpatuloy ng operasyon ang ABS-CBN.


Binatikos din ni Baguio City Rep. Mark Go, may-akda ng House Bill 6138 para sa franchise renewal ng ABS-CBN ang naging hakbang ng NTC.

Aniya, hindi napapanahon na ipatigil ang operasyon ng media network na isa sa pinagkukunan ng mahahalagang impormasyon ng publiko lalo na sa panahong ito ng krisis sa COVID-19.

Nakatakda namang pagpaliwanagin ng House Committee on Legislative Franchises ang mga opisyal ng NTC hinggil sa inilabas nitong Cease and Desist Order laban sa ABS-CBN.

Facebook Comments