Pagbibigay ng Radio Transceiver sa mga Mag-aaral, Bawat Pamilya- Mayor Dy

Cauayan City, Isabela- Pinatindi na ngayon ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan at Schools Division Office sa nalalapit na pasukan sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lungsod sa kabilang ng pandemya.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, isang kakaibang blended learning ang mararanasan ngayon ng mga mag-aaral dahil may tatlong option at ito ay ang panonood sa cable TV, paggamit ng internet at kung wala naman sa dalawa ay mayroong radio-scheme na siyang gagamitin para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Inaalam na rin ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na walang radio transceiver na siyang gagamitin sa new-learning at ibibigay ito ng libre ng Lokal na Pamahalaan.


Samantala, sa naganap na TeleSummit Convergence na inorganisa ng SDO Cauayan City ay lumabas sa survey na mas pinipili ng mga mag-aaral at magulang ang epektibong face-to-face class subalit mahigpit ang panuntunan ng IATF na bawal ang physical distancing upang makaiwas sa pandemya.

Facebook Comments