Pinalakas ang pagbibigay ng real-time updates sa panahon ng sakuna sa San Jacinto sa pamamagitan ng pagtatayo ng bagong 2-face LED wall sa Barangay San Guillermo.
Ipinatayo ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang nasabing LED wall na nakatakdang magsilbing daluyan ng mahahalagang impormasyon para sa publiko, lalo na sa oras ng sakuna at emergency.
Ayon sa ulat, ilalabas sa LED wall ang mga update, advisories, at iba pang mahahalagang anunsyo upang agad na maiparating ang impormasyon sa mga residente.
Bahagi ang inisyatibang ito ng paglipat ng ahensya sa mas modernong paraan ng komunikasyon at pagpapalakas ng kahandaan sa sakuna.
Hinikayat naman ng MDRRMO ang publiko na samantalahin ang bagong LED wall bilang maaasahang pinagkukunan ng balita at impormasyon ukol sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








