Tuesday, April 14, 2026

Pagbibigay ng relief sa mga SSS members, pinamamadali ng isang senador

Umapela si Senator Joel Villanueva sa Social Security System (SSS) na bilisan ang pagpapatupad ng relief para sa 40 milyong miyembro nito.

Kaugnay nito, pinag-aaralan ng SSS ang pagpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation sa mga miyembro sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Villanueva, malaki ang tiwala niyang ipaprayoridad ng SSS ang pagbalangkas ng mga panuntunan upang agad maipatupad ang pansamantalang pagpapaliban sa pagbabayad ng utang at hindi pagpapataw ng multa.

Paalala ng senador, mahalagang maipatupad ito sa lalong madaling panahon dahil mabigat ang pinapasan ng mga manggagawa at employers.

Samantala, kasalukuyang nagpapatupad ng moratorium ang GSIS para sa kanilang mga miyembro, habang nanawagan din si Villanueva sa Pag-IBIG Fund na ikunsidera ang pagpapalawig ng loan repayment para sa mga kwalipikadong borrower.

Facebook Comments