Suportado ng Department of Health (DOH) ang incentive-based initiative ng City Government of Manila sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, parehas ang layunin ng kagawaran at ng pamahalaang lungsod ng Maynila na matiyak na hindi kakalat ang sakit.
Sa inisyatibong ito, maiiwasan sa mga barangay ang pagtatago ng mga mayroong COVID-19 cases at sa halip at hihikayatin ang mga residente na sumunod sa minimum health standards.
Matatandaang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na anumang barangay sa lungsod na walang maitatalang COVID-19 cases mula September 1 hanggang October 31 ay makakatanggap ng ₱100,000 na pabuya.
Ang claim ng anumang barangay sa kanilang COVID-free status ay sasailalim sa verification at validation ng Manila Health Department.