Ikinukonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay pa rin cash aid sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa mga lugar na sakop ng general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng pangulo si Budget Secretary Wendel Avisado na maghanap ng mapagkukunan ng pondo para rito.
Kabilang sa pinasusuri ng pangulo ay ang budget ng mga ahensya na pwede pang ire-align para sa second tranche ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Kung walang makita ay hihingi sila ng tulong sa Kongreso.
Pero hangga’t walang nahahanap na pondo, nilinaw ni Roque na tanging mga benepisyaryo lang muna ng SAP sa mga lugar na sakop ng Modified ECQ ang makakatanggap ng second tranche ng emergency cash subsidy.
Facebook Comments