May ilalatag na standard security package ang Philippine National Police (PNP) sa mga kandidato sa national elections sa pag-arangkada ng campaign period, bukas, February 8, 2022.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nakahanda na ang seguridad para masiguro na magiging mapayapa ang panahon ng kampanya hanggang sa eleksyon.
Para matiyak naman na mananatiling apolitical ang PNP, ma-iingat aniya sila sa pagbibigay ng security detail.
Mananatili lang umano ang mga pulis sa campaign activity ngunit kapag tapos ng activity ay aalis na ang mga pulis.
Sinabi pa ni Carlos, susunod sila sa Commission on Elections (COMELEC) resolution bilang deputized agency.
Samantala, kanina ay nagpulong rin sa Camp Crame ang PNP chief at ilang mga taga-COMELEC para sa final instructions na gagawin ng mga pulis sa eleksyon.