Pagbibigay ng serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda, pabibilisin pa ng DA

Manila, Philippines – Inilunsad ngayong araw ni Agriculture Secretary Manny Piñol Department ang “Malasakit Help Desk” sa Central Office ng DA sa Quezon City.

Sabay ding isagawa sa ibat ibang regional field offices ng DA sa bansa.

Magsisilbi ito bilang integrated window para sa mga piling serbisyo ng ahensiya kabilang ang mga bureaus, attached agencies at mga korporasyon sa ilalim nito.


Pinupunan nito ang Public Assistance Center na matatagpuan sa lahat ng tanggapan ng DA alinsunod sa Republic Act 9485 na kilala bilang “Anti-Red Tape Act of 2007.”

Kasama sa mga serbisyo ang pag-access sa impormasyon at data ng agri-fishery, kabilang ang mga may kinalaman sa pagpaparehistro at accreditation; agri profiling at validation; access sa credit facilities, crop insurance, scholarships, trainings at seminars, at employment.

Mag aalok din ng pagbabakuna sa aso at pusa ang Bureau of Animal Industry sa paglulunsad ng programa.

Sabi pa ni Piñol, sa pamamagitan ng Help Desk, lahat ng magsasaka, mangingisda at iba pang stakeholders sa agriculture sector ay madaling maka avail ng serbisyo na alok ng Departmento.

Mandato din ito ng DA para isulong ang agricultural development at inclusive growth.

Facebook Comments