Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng special risk allowance sa mga frontline public health workers ngayong kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa ilalim ng Administrative Order No. 28 na nilagdaan ngayong araw, April 6, makatatanggap ng 25% allowance mula sa monthly basic pay ang health workers mula nang ipatupad ang ECQ nitong March 14.
Kabilang dito ang mga; medical, allied medical at iba lang personnel na naka-assign sa mga ospital at healthcare facilities, na direktang nagkaroon ng contact sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19, persons under investigation (PUIs) at persons under monitoring (PUMs).
Maliban sa kanila, makatatanggap din ng kaparehong allowance ang mga civilian employee na regular, contractual, casual o part-time positions; mga manggagawa na nasa contract of service o job order at ang mga barangay health worker na naka-assign sa mga ospital.