Pagbibigay ng spot reports sa mga miyemrbo ng media, hindi bawal ayon sa PNP

Manila, Philippines – Hindi bawal ang pagbibigay ng spot reports sa mga miyembro ng media.

Ito ang nililinaw ng pamunuan ng Philippine National Police matapos mailathala sa isang dyaryo sa Cebu na sinabi ni Cebu Provincial Police Office Public Community Relations Officer Supt. Virgilio Bayon-On na ipinag-utos raw ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na bawal na ang pagre-release ng spot reports sa media.

Ayon kay police chief Supt. Dionardo Carlos, ang tagapagsalita ng PNP, hanggat maari ay lahat ng impormasyon ay ibibigay nila pero mayroong mga limitasyon.


Partikular na kung ang tanong ng media ay may on-going criminal case, kaso ng mga menor-ded-edad at mga kababaihan.

Dagdag pa ni Carlos, kinakailangan gumawa ng formal request ang media para makakuha ng detalye ng spot report sa isang PNP officials.

Ito aniya ay nakasaad sa polisiya ng Philippine National Police, na ipinatupad simula noong taong 2014 buwan ng Pebrero.

Pero kung kilala o may magandang relasyon ang isang miyembro ng PNP official, hindi na kailangan pa ng formal request dahil nakadepende ito sa PNP officials o ang mga tagapagsalita ng PNP kung ibibigay ang kailangang impormasyon ng media.

Sa ngayon, pinaaalalahan naman ni Carlos ang mga PNP officials na may direktang komunikasyon sa media na palagi lamang tandaan ang mga limitasyon ipinatutupad ng PNP sa pagbibigay ng impormasyon sa media.

Facebook Comments